3 dayuhan biktima ng snatching

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District-General Assignment Section kung iisa lamang ang may kagagawan sa magkakasunod na insidente  ng snatching sa tatlong dayuhan sa magkakahiwalay ng lugar sa Ermita, Maynila kagabi.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) General Assignment Section (GAS) ang biktimang sina Fei Du, 24, chinese national, estudyante ng Unit 3510 Cityland Bldg., Vito Cruz, Manila; Same Eyul Baok, 29, estudyante ng Sunview Plaza T. M. Kalaw St., Ermita Manila at Riji Tahara, 46, Japanese national ng Angeles City, Pampanga.

Sa report ng MPD-GAS, dakong 9:00 ng kagabi nang naganap ang unang insidente sa A. Mabini St., malapit sa Pan Pacific hotel habang 10:20 ng gabi ang sumunod na insidente sa Roxas blvd., malapit sa Pedro Gil st., at 1: 30 ng madaling araw ang huling insidente sa A. Mabini st., pawang sa Ermita, Manila.

Sa pahayag ni Du,naglalakad ito sa kahabaan ng Mabini St., nang dikitan siya ng  riding in tandem at biglang ihnagawa ng kanyang bag.

Naglalakad si Baok sa Roxas blvd nang pagsapit sa P.Gil st., nang lapitan siya ng dalawang kalalakihan at hablutin ang kanyang shoulder bag na naglalsman ng dalawang cellphone at iba pang kagamitan.

Tatlong kalalakihan naman ang dumikit kay Tahara habang naglalakad din sa nasabing lugar  at saka hinablot ang kanyang kulay berdeng bag pack na naglalaman ng camera, electronic dictionary, dvd, Nike na sapatos at sony video.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply