3 meteor showers, magniningning sa kalawakan

MAGNININGNING sa kalawakan ang tatlong pinakamakulay na meteor showers para sa taong 2012.

Ayon sa ulat ng Pagasa Space Sciences and Astronomy Section, tatlong meteor shower ang mistulang nagkasabay-sabay na masisilayan sa Southern Delta Aquarids meteor shower.

Nabatid na nagsimula na ito kagabi (Hulyo 28) pa at inaasahang magpapatuloy hanggang sa huling gabi ng Hulyo o sa Hulyo 31, 2012.

Halos nagkasabay at naging complex of radiants ito ng Aquarius, Capricornus at Piscis Austrinus, kaya mas makulay kumpara sa ibang astronomical event.

Ang normal stream ay lumilikha lamang ng lima hanggang sampung bulalakaw kada oras, ngunit dahil sa iba pang factor at tinatayang magkakaroon ng 15 meteors per hour sa ating papawirin.

Gayunman, maaaring hindi gaanong makita ang ganda ng meteor shower sa mga lugar na maulap dahil sa bagyong  Gener.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply