3 miyembro ng Akyat-bahay Gang tiklo

TIKLO ang tatlong miyembro ng ‘akyat-bahay gang’ sa follow-up operation ng awtoridad sa Marville Subdivision, San Mateo, Rizal kaninang madaling araw.

Nabatid na pinasok ng mga suspek na nakilalang sina Rodel Molino alyas “Nognog,” Richard Molino alyas “Komang,” at ang menor de edad na si Erickson ang bahay ni Christine Manililya kaninang alas-4:00 ng madaling araw.

Ngunit patakas na sana ang mga suspek tangay ang mahahalagang gamit ng biktima nang ito ay magising at makahingi ng tulong sa mga barangay tanod at nagpapatrulyang pulis sa naturang lugar.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng mga kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply