3 sakay ng ambulansiya todas sa banggaan

SA halip na makapagligtas ng buhay, patay ang driver ng ambulansiya at dalawang pasahero pa matapos makasalpukan  ang isang pampasaherong bus sa Sorsogon.

Ayon kay Police Superintendent Renato Bataller, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) sa Bicol Region, dead on the spot ang mga sakay ng ambulansya na mula sa Rural Health Unit sa bayan ng Juban sa sakunang nangyari kahapon.

Kabilang sa namatay sina Benjie Suari, driver at mga pasaherong sina Sarah Jane Enano at Mary Jane Ladimo, ng Brgy. Guruyna, nasabing bayan.

Nananatili naman at kritikal sa ospital ang tatlong iba pa na kinilalang sina  Jenny Villamor, 16, Lorna Iglesia at Maricros Inalno, nagtamo ng head injuries.

Ayon kay PO3 Ronnie Sanchez ng Peace Community Relations Division ng PNP Provincial Office sa Sorsogon, pabalik na sa Juban ang ambulansya nang maka-head on collision ang Elavil Bus na minamaneho ng isang Noel Pacala.

Inaresto na ang bus driver habang patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.

Wala namang nasaktan sa mga pasahero ng bus.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply