3 sasakyan nagkarambola, 1 sugatan

SUGATAN ang drayber ng delivery van matapos masangkot ito sa karambola ng dalawang sasakyan sa kanto ng Edsa-Corrigidor St., na sakop ng Barangay Bagong Bantay, Quezon City.

Batay sa ulat sa radyo, nasalpok ng isang bus ang van na dala ng biktima na nakilala lang sa pangalang Rolando, dahilan para tumagilid ito at mabangga ang kasunod na taxi.

Parehong nagtamo ng pinsala ang bus at van.

Nagdulot nang pagsisikip ng daloy trapiko ang pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply