3 sawa nasilo sa Tondo, Maynila

TATLONG malalaking sawa ang nahuli sa isang estero sa Tondo, Maynila ng ilang mga residente kagabi (Hulyo 6).

Ayon sa MPD-Police Community Precint sa Pritil, dakong alas-sais kagabi ng unang madiskubre ang dalawang sawa sa estero na katabi lamang ng Piritl Public Market.

Aabot umano sa apat na talampakan ang haba ng nahuling sawa.

Sunod namang nasilo ng mga residente ang 12 talampakang sawa sa parehong ilog.

Nahirapan ang mga residente sa pag-ahon sa mga sawa kaya pinainan nila ito ng pagkain upang madaling mahuli.

SInabi naman ni PO2 Domingo Dapay, ilang beses na umanong may nakuhang sawa sa nasabing estero kaya posibleng may mga sawa pang namamalagi doon.

Nakatakda namang i-turn over ang mga nahuling sawa sa pamunuan ng Manila Zoo upang maayos na maalagaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply