3 timbog sa buy bust operation

DAHIL sa inilatag na buy bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), tatlong hinihinalang big time pusher ang nahulog sa bitag sa Paco, Manila, ayon sa ulat ng pulisya.

Walang inilaang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng mga suspek na nakilalang sina Joseph Santos, 31 anyos ng 1214 Sagat St., Paco ; isang alyas Jay-Ar ng nasabing lugar at ang isang Macky Manalang , 28 anyos ng Santiago St., Paco.

Batay sa ulat ni P/Sr.Insp. Eduardo Pama kay Chief Insp. Roberto Domingo, hepe ng District Anti-Illegal Drug, Special Operation Task Group ng MPD,dakong 3:30 ng hapon nang isagawa ang nasabing buy-bust operation sa Sagat st., sa Paco.

Bago ang nasabing pagdakip,  nakatanggap umano ng tip  ang opisina ni C/Insp. Domingo hinggil sa talamak na bentahan ng illegal na droga mula sa lugar kaya  agad nagsagawa ng surveillance sa lugar.

Dahil narin umano sa tulong ng asset,  nagawang matukoy kung sino ang responsible sa bentahan ng shabu sa lugar at dito na isinagawa ang buybust operation.

Nabatid sa report ng MPD-DAID-SOTG,  na nakasamsam ng shabu na aabot sa  halagang P40,000, sa tatlong tulak ng droga sa lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply