3 world record nakuha ng INC

NAKUHA ng Iglesia Ni Cristo ang tatlong Guinnes Book of World Records sa isinagawang pinakalamalaking Lingap sa Mamamayan sa Parola, Tondo kahapon.

Kauna-unahan itong record na nakopo ng Pilipinas sa Guiness Book of World Records. Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-98 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo sa July 27.

Nakuha ng INC ang 3 Guinness Book of World Records para sa “The Most Number Glucose Readings in 8 hrs – 5,270; The Most Number Blood Pressure Readings in 8 hrs – 8,026 at ang The Most People Involved in a Dental Health Check – 4,188.”

Bukod sa isinagawang medical at dental mission ay namahagi rin ng pagkain ang INC sa may 30,000  mga residente na nagmula sa Parola Compound, Baseco, Isla Puting Bato, Aroma, Vitas Tundo, Binondo at iba pang mga kalapit na lugar.

Taunang nagsasagawa ang INC ng Lingap ng Mamamayan sa Muslim Compound sa Brgy. Culiat, Quezon City at sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad sa  buong Pilipinas.

Ayon sa ulat, sa kasaysayan ng Lingap sa Mamayan ng INC ay ito na ang may pinakamalaking bilang ng mga tao na napagkalooban ng tulong medical kung saan pinuno ng mga tao ang malaking kalsada ng Manila Container Port Terminal.

May 100 mga manggagamot at dentist ang lumahok sa aktibidad na ito. Nagsilbing ospital na may ipinamimigay na gamut, X-ray sections, labortoryo at Ultrasound station ang naglalakihang mga tent na itinayo sa Parola.

Agad namang nagpasalamat si Manila Mayor Alfredo Lim sa INC dahil sa proyektong ito. Ikinagulat ng alkalde ang halos dalawang kilometrong haba ng mga tao na nagtiis pumila para lamang makapag-avail ng libreng serbisyo-medikal at libreng mga gamot.

Maging si Manila Vice Mayor Francisco “Isko” Moreno na dumalaw sa Parola sa kasagsagan ng Lingap sa Mamamayan ay nagsabing ito ang kauna-unahanang pagkakataon na nakita niya ang ganitong kalaking medical and dental mission kabilang ang gift giving.

Dahil sa dagsang tao at mainit na panahon, naisugod pa sa ospital ang kinatawan ng Guiness Book of World Record matapos itong makaramdam ng pagkahilo habang nag-oobserba sa naturang aktibidad.

Tiniyak naman ni Brother Homer Tiomico ang ganitong aktibidad ng Iglesia Ni Cristo ay magpapatuloy, dahil maraming tao ang natutulungan at mga nangangailangan, lalo  sa panahon ngayon na lumulubha ang kahirapan.


4 Responses for “3 world record nakuha ng INC”

  1. mulawin says:

    Thanks REMATE for the information.With or without Guiness, INC will continue to help people not only its members. Para sa others wag lang kasi puros lugaw ang ibigay dapat yung talagang makakatulong… Ung iba kasi afetr magbigay ng lugaw mag ba bible study… libreng sakay sa bus tapos ang panonoorin religious channel nila… pag tutulongdapat ung seryosong pagtulong.

    Happy 98th year INC!!!

    • robert says:

      Ang lahat ng Kapurihan at Kaliwalhatian ay sa DIOS lamang. Salamat sa DIOS na nagbibigay ng Tagumpay sa kabuuan ng Iglesia ni Cristo.

  2. rauL says:

    kahayagan lang ito na kasama ng iglesia ni cristo ang DIOS… Dahil sa diyos nagtatagumpay ang lahat ng mga gawain…

  3. Mae says:

    maraming salamat po sa patas na pagbabalita. Walang halong pang-iinsulto sa Iglesia Ni Cristo… keep up the good work po.

Leave a Reply

*
Bakit Abe, ibig mo bang sabihin eh na-outnumber na...
hahaha! baka kailangan na ni kristd mag-shampoo na...
AGB? hahahaha! patawa ka naman kristd eh....hahaha...
hahaha! dito sa u.s. (siguro kahit sa ibang bansa ...
corek...
sa title pa lang ay mukhang may sense ang mga peli...
NESTOR ALAM NYO BA NA SO INGGIT ITONG MABAHONG EBA...
ABE Paulite, maka BOBO ka naman at intrigero dun s...
Eto ang demanda na maliwanag na pang-propaganda la...
nakakatawa talaga ang mga comment ni kristd...haha...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.