30 estudyante, tinamaan ng diarrhea sa Cebu

MAHIGIT sa 30 estudyante sa elementarya at high school ang isinugod sa pagamutan  sa bayan ng Badian sa Cebu matapos makaranas ng lagnat, pananakit ng tiyan  dahil sa diarrhea.

Hinala ng mga awtoridad na kontaminadong tubig ang sanhi sa pananakit ng tiyan ng mga bata na nasa Badian District Hospital pa ngayon at patuloy na inoobserbahan ang kondisyon .

Kumuha na rin ng water samples ang Integrated Provincial Health Office upang masuri at masiguo  ang tunay dahilan ng karamdaman ng mga kabataan .

Sa inisyal na ulat napag-alaman na karamihan sa mga batang isinugod sa ospital ay nakainom ng  ice water at kumain ng ice candy  na ibinibenta sa  kapaligiran ng paaralan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply