30 kalansay na ‘pinurga’ ng NPA nahukay

UMAABOT sa 30 kalansay na pinaniniwalaang biktima ng paglilitis ng New Peoples Army sa kasagsagan ng kanilang paglilinis sa mga inaakalang tiktik o deep penetration agents ang nahukay sa San Francisco Quezon Province, sa ulat ng militar.

Ayon kay Army Spokesman Harold Cabunoc, kasalukuyang inihahanda ng isang magsasaka na kinilalang si Rommel Malinao, 47, ang kanyang taniman sa Sitio Irrigation, Pagsangahan para sa susunod na planting season nang bumulaga sa kanya ang isang mass grave na naglalaman ng tinatayang labi ng may 30 katao,

Balot ng takot ay agad na ipinagbigay alam ni Malinao sa militar at kapulisan ang kanyang nadiskubre.

Kanina ay sinimulan nang siyasatin ng mga kinatawan ng pamahalaan kasama ang mga sundalo mula sa 74th Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Dennis Perz ang mass grave.

Sa pagsusuri ay sinasabing kinakitaan ang mga bangkay partikular na ang mga bungo ng mga marka ng pagpapahirap bago pinatay.

Isang residente naman sa lugar ang nagsabing may 47 katao na sa kanlang lugar ang nawawala simula pa ng kalagitnaan ng 1980s.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply