30 kalansay narekober sa lalawigan ng Quezon

NAHUKAY ang may 30 kalansay sa isang mass grave sa San Francisco, Quezon.

Nabatid na doon umano inililibing ng mga rebelde ang mga hinatulan nila ng kamatayan dahil sa pagtraydor sa kanilang grupo.

Naniniwala ang mga kinauukulan sa posibilidad na marami pang kalansay na nakalibing sa hukay.

Bago ipinadala sa crime lab ang mga kalansay ay pinabasbasan muna ito.

Ang mga kalansay ay nakatakdang suriin para malaman ang pagkakakilanlan ng mga ito kahit malabo nang makilala pa ang mga ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply