30th Olympic Games: Barriga uupakan ang Italian pug

SADYANG napakailap ng gintong medalya sa Pilipinas pagdating ng Olympic Games subalit umaasam pa rin ang mga Pinoy na makakamtan din ang pinapangarap.

Bukas ng gabi, paniguradong halos lahat ng Pinoy ay mananalangin upang makasampa sa round-of-16 ang nag-iisang pambatong boksingero ng Pinas na si Mark Barriga sa light flyweight 49kgs sa 30th Summer Olympic Games sa London.

Makikipag-upakan sa round-of-32  ang 19 anyos, Barriga kay Italian pug Champion Manuel Cappai na sinasabing parang si defending champion at top seed Zou Shiming ng China kung lumaban.

Subalit ayon sa coach ng Pinoy boxer na si Roel Velasco ay hindi naman kasinggaling ni Zou ‘yung kalaban.

Kailangan manalo ng tatlong sunod si Barriga upang makapasok sa semifinals at makasiguro ng bronze medal.

Samantala, laglag na si Jessie Khing Lacuna sa 200-meter freestyle ng pumanglima lang ito sa pitong lumangoy at sa pangkalahatan ay pang 36 sa 40 na kumampay.

Omoras si 18-year-old, Khing ng 1 minuto at 52.91 segundo sa second heat.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply