33 kahon ng corals, iba pa nasabat sa NAIA

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng Bureau of Customs (BoC) ang 33 na kahon ng mga coral at isdang pang aquarium sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, naharang ng BFAR Quarantine Services sa cargo terminal ng Miascor ang kontrabando na naglalaman ng 1,500 na buhay na isdang pang aquarium na nakasilid sa plastic bag at 149 na brain corrals.

Batay sa ulat, ang mga kontrabando ay nakatakda sanang dalhin patungo sa Hong Kong habang isinasalansan ang naturang kargamento sa departure area ng NAIA.

Hindi pa nababatid kung sino ang tunay na may-ari ng kontrobando habang patuloy ang imbestigayon ng BOC.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply