34 OFWs mula Syria nakauwi na sa bansa

BALIK-PINAS na kagabi ang 34 pang overseas Filipino worker mula Syria na inilikas dahil sa tumitinding kaguluhan doon.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, bahagi pa rin ito ng sapilitan o mandatory repatriation program ng pamahalaan.

Nasa Syria na ngayon si Foreign Affairs Undersecretary Rafael Seguis para asikasuhin ang pagpapauwi sa ilan pang mga Pinoy na naiipit sa mga kaguluhan doon.

Nabatid na libo-libo pa ang mga Pinoy sa Syria kabilang na ang mga walang dokumento.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply