35 bagong korte sa Cavite, inaprubahan

INAPRUBAHAN na ng Senado ang panukalang magtayo ng 35 panibagong korte sa lalawigan ng Cavite upang mapabilis ang paghahatid ng katarungan sa mga biktima ng krimen.

Sa ginanap na botohan nitong Martes, inaprubahan ng Senado ang panukalang magdagdag ng 27 Regional Trial Court at walong Municipal Trial Court sa Cavite sa botong 19 pabor, walang kontra at abstention.

Si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.,  ang nagpanukala ng batas na pawang tubong Cavite.

“The number of disposed cases will always be lower than the number of cases being filed everyday in different trial courts no matter how efficient the Presiding Judge may be. In such instances, the cases being filed are most often overwhelming,” ayon kay Revilla.

“There will be ten additional Regional Trial Court branches for Bacoor; eight additional Regional Trial Court branches for Imus; Two additional Regional Trial Court branches for Dasmariñas City; Two additional Regional Trial Court branches for Trece Martires City; One additional Regional Trial Court branches for Naic and four additional Regional Trial Court branches for Tagaytay City, will be created in the fourth Judicial Region of Cavite,” ayon pa sa  senador.

Magkakaroon din ng karagdagang Municipal Trial Court sa Bacoor, Imus at Dasmariñas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply