380 vintage bomb natagpuan sa Cebu

NATAGPUAN ang 380 vintage bombs sa compound ng isang establisimyento sa Hernan Cortes St. Barangay Subangdaku sa lungsod ng Mandaue.

Nadiskubre ang mga lumang bomba habang naglilinis ang isang trabahador sa bakanteng lote na nakasalansan sa ilalim ng bahay.

Dahil sa dami ng mga natagpuang vintage bomb, nagkasya ito sa dalawang trak.

Tiniyak naman ng AFP Central Command na makikipagkoordina sila sa kapulisan sa lungsod ng Mandaue para sa tamang pagligpit at pagsira ng mga lumang bomba.

Malaki ang hinala ng mga tauhan ng AFP na iniwanan ng Japanese army ang mga naturang pampasabog na inilibing sa ilalim ng bakanteng lote bago lumikas ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply