3rd sex tanggap na sa PMA, wag lang kekembot

TANGGAP na sa hanay ng Philippine Military Academy (PMA) ang mga miyembro ng 3rd sex o bading subalit huwag lang kekembot.

Sinabi ni PMA Supt. Major Gen. Nonato Alfredo Peralta Jr. na hindi naman ipinagbabawal ang pagpasok ng mga bading sa kanilang hanay ngunit dapat na gumalaw ng naayon sa kanilang trabaho.

Ayon kay Peralta, sa mga babae naman ay hindi naman halata ang mga tomboy dahil sa hirap ng pagsasanay ng mga ito ay nagiging “tomboyish look” na rin ang mga kasamang babae.

Kaugnay nito,  simula sa Agosto 26 ng taong ito ay isasagawa ang PMA entrance examination sa 37 examination centers sa buong bansa.

Sa taon ring ito, sisimulan ng PMA ang pagtanggap ng mga aplikante na may taas na 5’0 para sa babae at lalaki kumpara sa dating taas na 5’2 sa babae at 5’4 sa lalaki.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply