3rd win pasasabugin ng Heavy Bombers

LAYUNING magpasabog ng Jose Rizal University Heavy Bombers upang masolo nila ang liderato sa nagaganap na 88th NCAA seniors basketball competition.

Sinaluhan kasi sila ng defending champion San Beda College Red Lions nang taluinin ang wala pang panalong Lyceum of the Philippine Pirates, 82-67 kahapon sa The Arena sa San Juan.

Parehong may 2-0 win-loss card ang Heavy Bombers at Red Lions at pakay ng una na pasabugin sa Huwebes, (Hulyo 5) ang Emilio Aguinaldo College Generals para kalasan ang nakumpleto ng players ng San Beda.

Hawak ng Generals ang 1-0 panalo-talo baraha matapos nilang paluhurin ang Arellano U Chiefs, 75-72 sa una nilang salang.

Bandang alas-4:00 ng hapon ang balyahan ng Heavy Bobmers at Generals at susunod naman ang Mapua Cardinals at College of Saint Benilde Blazers sa alas-6:00 ng gabi na gaganapin sa nasabing venue.

Nanguna sa opensa ang galing sa one-game ban na si Baser Amer upang isosyo ang Red Lions sa unahan ng team standings.

Lumaplap ng 17 puntos si Amer habang si Jake Pascual na galing din sa suspension ay may 14 points.

Nag-ambag din ang transferee na si Art Dela Cruz ng 11 pts. at 13 boards.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply