4 bahay wasak sa flash flood sa Butuan City

WINASAK ng malalaking troso na inanod sa flash floods ang apat kabahayan sa Butuan City pasado alas-8:00 nitng Linggo ng gabi sa Purok 3 at 5, sa Baranga. Lemon.

Ang mga nawasak na kabahayan ay pagmamay-ari nina Inday Sanico, Cadoy Pepito, Joel Lumon at Sergio Lumon habang ang nasirang isa pa ay kay Cora Madelo naman.

Susuriin pa ng mga barangay officials sa pangunguna ni Punong Brgy. Nestor Aluag ang kabuuang danyos na hatid ng hanggang tuhod na tubig-baha.

Hindi na madaanan kagabi ang super highway at nagsilabasan na rin sa kani-kanilang mga kabahayan ang mga residente dahil sa sobrang takot lalo na’t nagsilutangan pa ang kani-kanilang mga kagamitan.

Kasama rin sa titingnan ay kung ilang ektarya na sakahan ang sinira ng baha na mula pa sa bukiring bahagi ng Brgy. de Oro, ang lugar na  mayroong small-scale minings.

Ang pagmimina ay nagdulot ng pagkasira ng kalupaan  kaya umabot sa mga tributaries ng Agusan River ang tubig pababa sa nasabing barangay.

Apektado naman sa biglaang pagbaha ang mga karatig-barangay ng Camayahan at Salvacion sa lungsod.

Bago ito naglabas na rin ng babala ang Pagasa ng pag-iral ng tinatawag na inter-tropical convergence zone (ITCZ) na siyang nagpapaulan sa malaking bahagi ng Pilipinas.

Sinabi ng Pagasa, partikular na apektado ng ITCZ ay ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply