4 batang Pinoy mula Syria, balik-Pinas

NAKATAKDANG dumating bukas, Martes, ang apat na batang Pilipino mula sa bansang Syria matapos na dumulog ang pamilya ng mga ito sa embahada ng Pilipinas sa Damascus upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Maynila.

Inaasahang darating bandang alas 10 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga bata sakay ng Emirates flight EK 334.

Kasama ng mga batang Pilipino, na may edad na 8 taon, 11 taon at 15 taon, ang kanilang mga nanay at anim pang overseas Filipino workers (OFWs) na nagpasaklolo rin sa embahada upang makaiwas sa kaguluhang nagaganap sa Syria.

Bukod sa kanila, dumating rin kahapon ng gabi (Lunes) ang 27 OFWs mula Damascus sakay ng Emirate flight EK 334.

Sa kabuuan, umaabot na sa 1,734 OFWs ang napauwi na sa bansa ng mga opisyal ng embahada makaraang ipatupad ang sapilitang pagpapalikas sa mga Pilipino sa Syria.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply