4 Chinese flags sinunog ni Abner Afuang

MULING nagsunog ng apat na bandera ng China sa harap ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pasay City si dating Makati Police Abner Afuang dahil sa patuloy pambu-bully umano at pag-angkin ng nasabing bansa sa Scarborough Shoal na sakop ng karagatan sa Pilipinas.

Nagsosolong nagtungo sa harapan ng DFA si Afuang at sinunog nito ang apat na bandila ng China para iprotesta ang pananakop ng China sa Pilipina.

Naging panata na ni Afuang ang magsunog ng bandila ng mga banyagang bansa sa tuwing may isyu ang Pilipinas laban sa mga ito.

Una nang sumikat si Afuang noong kainitan ng pagbitay kay Flor Contemplacion noong 1995. Snunog niya ang bandila ng Singapore na pinaparatangan noon ng kawalan ng katarungan sa pagbitay sa Pinay domestic helper.

Kamakailan naman ay dalawang bandila na naman ang sinunog ni Afuang. Ang una ay ang bandila ng China bilang protesta sa pag-angkin nito sa Scarborough Shoal at ang ikalawa naman ay ang pagsusunog ng bandila ng Pa­nama sa harap mismo ng Panamanian Embassy sa Makati.

Mas umani ng suporta ang pagsusunog ni Afuang ng bandila ng Panama dahil sa kahayupang ginawa ng Pa­namanian na si Erick Bairnals Shcks sa isang 19-anyos na Pilipina na kanyang ginahasa sa loob mismo ng kanyang condominium sa Makati City.

Ang nakakalungkot pa sa pangyayari ay iniligtas ng Department of Foreign Affairs si Shcks nang mag-isyu ito ng sertipikasyon na may diplomatic immunity ito at agad na pinalaya sa pagkakakulong sa Criminal Investigation and Detection Group at pagkatapos ay pinaalis ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply