4 na bayan sa Camiguin, binaha… klase sususpendihin bukas

DAHIL sa matinding buhos ng ulan dulot ng hanging habat, magkakansela ng klase ang lahat ng pasok sa mga public at private schools sa lalawigan ng  Camiguin  na nagresulta sa malawak na pagbaha ng probinsiya.

Ayon ni Camiguin Gov. JJ Romualdo, patuloy na nanalasa ang tropical depression “Gener”, maraming residente ang nag-alsa balutan, at sa kasalukuyang tumuloy muna sa ibat-ibang gymnasium ng mga paaralan.

Tinukoy ni Gov. Romualdo ang mga binahang lugar kabilang ang munisipyo ng Mahinog, Guinsiliban, Sagay, at Catarman.

Nalaman na naubos ng baha ang mga produktong pang-agrikultura at ilan sa mga palay ng mga residente ng Mahinog.

Maliban nito, nasira din ang mga bahay sa munisipyo ng Guinsiliban dahil sa tubig na halos  umabot sa leeg.

Nabatid na nasira ang mga tulay ng Sagay lalo na sa Alangilan bridge kaya hindi muna ito madadaanan hanggang ngayon.

Umaabot naman sa 600 na pamilya ang apektado sa pagbaha sa lalawigan.
Sa ngayon, nagpulong ang mga opisyal ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Council kasama ang mga lokal na gobyerno sa lalawigan, upang makagawa ng rekomendasyon, para sa gagawing basehan sa posibleng pagdeklara ng state of calamity.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply