4 panukalang batas tututukan – Enrile

TUTUTUKAN umano ni Senate President Juan Ponce Enrile ang apat na panukalang batas upang matiyak na mapagtitibay ang mga ito sa 3rd regular Session ng 15th Congress na magsisimula na sa Hulyo 23.

Tinukoy ni Enrile ang panukalang anti-trust law laban sa cartel gaya sa industriya ng langis, ang cyber-crime bill laban sa mga internet-related crime at people’s survival fund o paglalaan ng pondo laban sa climate change.

Ika-apat ang pagtatatag ng trust fund na kukunin mula sa kinita ng P2.5 billion na bahagi ng P9.6 billion coconut levy fund na kinolekta noong Marcos administration.

Ang P2.5 billion ay nakadeposito ngayon sa United Coconut Planters Bank at nakapangalan sa Coconut Industry Investment Fund.

Bahagi nito ay in-invest sa San Miguel Corporation, United Coconut Planters Bank, Cocolife, Coconut Life Insurance Corporation, sa planta ng Coco-Chemical sa Batangas at sa mga planta ng coconut oil refinery sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa pagtaya ni Enrile, ang kabuuan nang kinita ng mga naturang investment ay umabot na sa P130 billion na aniya ay maaring ipautang sa gobyerno para sa mga infrastructure project.

Ipinaliwanag ni Enrile na sa pamamagitan nito ay tutubo muli ng interest ang pera na ilalalan naman sa pagpapalakas sa coconut industry na ang makikinabang ay ang mga magsasaka pa rin ng niyog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply