4 tauhan ng mining firm sa Agusan del Sur hawak ng NPA

HAWAK ngayon ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang apat na tauhan ng isang mining company sa Agusan del Sur, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat, isinakay ng mga rebelde sa isang Toyota Hi-Lux (ZMW 908) ang mga biktima na sina Christopher Ocite, anak ng may-ari ng kompanya at operations manager; Gani Altaya, assistant operations manager; Joel Hayuma, chief of security at isa pang hindi kilalang engineer.

Una rito, alas-singko ng madaling araw, sinalakay ng may 30 rebelde ang VTO Mining na pag-aari ng isang Engr. Vivencio Ocite sa Ridge Mountain, Purok Onse sa Bayugan.

Nabatid na nagpanggap na tauhan ng Philippine Army at nagkunwaring magsasagawa ng security inspection ang NPA.

Sa pinakahuling impormasyon ng mga awtoridad, mga armas gaya ng K3 automatic weapon at M16 rifles ang hinihingi ng mga rebelde kapalit ng kalayaan ng apat na bihag.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply