4 tulak, suspek sa pagpatay sa pulis-Maynila dakip

MABIBIGYAN na ng katarungan ang pag-torture at pag-salvage sa pulis–Maynila na si SPO2 Teofilo Panlilio  matapos maaresto  ang isa sa apat na suspek sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Kinilala ang nadakip na si Zainal Kadil Lidasan, 27,  alyas “Bulag” at “Zorro”,  tubong Maguindanao at naninirahan sa Blk. 9 Baseco Compound, Port Area, kasama ng apat na tulak na hindi pa alam ang pagkakilanlan.

Si Lidasan ay naaresto ng magkasanib puwersa na District Anti-Illegal Drug- Special Operation Task Group ng MPD at ng mga tauhan ng Baseco Police Community Precinct ng MPD-Ermita Police Station 5  sa buy-bust operation kanina sa naturang lugar.

Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre 38 baril, granada at shabu.

Sa isinumiteng report ni PO3 Archie Bernabe kay MPD-District director, Chief Supt. Alejandro Gutierrez, alas-10:30 ng umaga kanina nang isagwa ang  buy-bust operation sa lugar kung saan mismong si Kadil ang nag-abot ng 3 sachet na shabu sa mga miyembro ng arresting team.

Itinuturo  ng testigo sa pagpatay kay Panlilio na isa si Lidasan sa pumatay kay PO2 Teofilo Panlilio, 53, nakatalaga sa District Headquarters Support Unit ng MPD at residente ng 1793 Francisco Varona St., Tondo at informant nito na si alyas “Bangenge,” kapwa natagpuang lumulutang sa Sitio Pulo, Tanza, Navotas City na may mga tama ng bala sa katawan at sa ulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply