4 tulak timbog sa buy-bust sa Aurora

APAT na hinihinalang drug pusher ang nadakip ng pinagsamang puwersa  ng Aurora Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Baler, Aurora.

Sa isinumiteg ulat kay PDEA Director General Usec. Jose Gutierrez, Jr., kinilala ang mga nahuling suspek na sina Ronel Lenten Altaulyo, Rene “Tisoy” Lobrera,Ronald Altauyo at live-in partner nitong si Mary Jane Baribal.

Makaraan ang surveillance operation laban sa mga suspek, agad ikinasa ang operasyon sa pamumuno Aurora Police Provincial Office Sr. Insp. Noel Palmero at PDEA  Regional 3, sa Barangay 24, Baler, Aurora,

Magsisilbing ebidensiya laban sa mga suspek ang 27 sachet ng shabu na tumitimbang sa humigit sa 18 gramo at mga drug paraphernalia na nakumpiska sa kanila.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng PNP Baler matapos sampahan sa korte ng kasong mga paglabag ng RA 1925 o Anti-Ilegal Drug Operation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply