400 registrants niratrat, 1 patay, 2 sugatan

ISANG malaking motorized banca na may lulan na mga botanteng magpaparehistro sa sinasagawang general registration para sa nalalapit na Autonomous Region for Muslim Mindanao ang pinaulanan ng bala habang nasa karagatan na ikinasawi kaagad ng isang tao at malubhang ikinasugat ng dalawang iba pa sa may bayan ng Maluso Basilan, ayon sa ulat ng militar at ng PNP .

Ayon kay Army Col Ramon Yogyog,  Commander, special operations task force Basilan, naganap ang straffing incidente bandang ala una ng madaling araw sa karagatang sa pagitan ng Calang Canas at Tamuk Island, Maluso, Basilan Province.

Nabatid na isang  (1) motorized passenger boat ” M/V marlboro” na pag-aari ng isang Barangay Captain Mohammad Nordani ng Brgy.Canas na may lulang humigit kumulang sa 400 pasengers ang naglalayag mula zamboanga City papuntang o Tabuan lasa ng nabangit na lalawigan upang magparehistro.

Bigla na lamang silang pinaulanan ng apat na hindi nakikilalang mga kalalakihan na sakay ng dalawang pump boat at armado ng M16 armalite rifle na may HM203 at M14 assault rifle.

Sa inisyal na impormasyong ibinahagi naman ni PNP Spokesman P/Chief Supt Ahgrimero Cruz Jr. may tatlo ang agad na nahagip at isa rito ang dagliang binawian ng buhay na kinilalang si Nurhiba Ahamad, 46 taong gulang at naninirahan sa  suligan bubuan.

Samantala, kritikal naman ang kalagayan nina Hadja Patricia Kadil 46anyos, ng  Lanawan proper at si Awina Ahamad, 35 yr old residente ng Suligan, Bubuan island.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply