48 na pulis isasabak vs riding-in-tandem

IKINASA ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Motorcycle Riding Course upang ‘tapatan’ ang mga notorious na riding-in-tandem.

Ayon sa ulat, 48 na pulis mula sa iba’t-ibang sangay ang sumailalim sa nasabing pagsasanay.  Ang isa’t kalahating buwang pagsasanay ay nagtapos nitong Hulyo 17 sa isang simpleng  graduation ceremony na ginanap sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, noong Martes ng umaga.

Ang pagsasanay ay binubuo ng mga bagong pamamaraan, kaalaman, at kakayahan na maaaring magamit ng mga natutong pulis upang hadlangan at pigilin ang pagdami ng krimen, partikular na ang mga motorcycle riding-in-tandem.

Kabilang sa mga nagbigay parangal sa mga nagsipagtapos ay sina NCRPO Chief Police Director Alan La Madrid Purisima at Director of Highway Patrol Group PCSupt. Leonardo A. Espina.

Sinabi ni Purisima na dahil sa mga natutunan ng mga nagsipagtapos ay magagawa ng mga itong labanan at tuluyang tuldukan ang karahasang dulot ng mga pusakal motorcycle riding-in-tandem sa ating pamayanan.

Samantala, plano naman ni Espina na makipag-ugnayan sa mga bihasang motorista ng sa gayon ay umunlad pa ang kaalaman ng mga pulis sa pagpapatakbo ng mga two-wheeled vehicles.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply