5% ang tara ng RD at red sa cadastral survey

MISYON AKSYON, nabasa ko po ang kolum na inyong inilabas noong buwan ng Hunyo 16 sa Remate na may titulong “3 bilyong piso cadastral survey bidding ki-namkam ng mga DENR officer?” Lahat po ng region ng DENR ay grabe po ang kanilang red. Kasi sinasamantala nila ang nakalaang pondo para sa libreng pa-survey ng DENR na pinondohan ng ating gobyerno.

Katunayan po, sa Region 1, grabe po ang sistemang umiiral doon. Kasi iyon pong auditor na may initial na “AM”, siya po ang nakikipagtransaksyon sa mga  kontraktor na nakikipag-bidding at humingi na agad ng downpay-ment na P250K kada kontraktor.

Sampung project po ang kanilang pina-bid nitong nakaraang Lunes   kaya umabot na sa P2.5 milyon ang kanilang naging pera.

May kilala po akong  kontraktor na awarded na sa kanya ang kontrata at may tseke na ito.

Hanggang sa ngayon ay ‘di pa nila ibinigay kasi gustong mangyari ay  5% ang hininging “SOP” ng RED na babawasan sa kani-yang mobilization fund agad-agad. Kaya sinabi na baka hindi niya matapos ang project kung lahat ay kakaltasin agad.

Kaya nagsampa na siya ng kaso sa Ombudsman sa mga  tauhan ng DENR ng kasong Violation of RA 9184 at 6713.

Misyon Aksyon, sana masu-baybayan ninyo ang ganitong kaso kasi  sinasamantala nila ang ganitong proyekto na pinondohan ng World Bank na mapupunta lamang sa  wala.

Ang masaklap po, may kontraktor ako na  kakilala na ang ka-nilang trabaho ay palpak kasi nga ang laki ng kanilang ibinigay na la-gay. Kaya para ‘di malugi, e, sa trabaho nila ito ginawa. Kaya kawawa  na naman po ang bayan kasi mga  opisyal ng DENR ang siyang gumagawa ng katarantaduhan sa gobyerno.

Sa susunod po, ibulbulgar ko na ang mga taong kabahagi ng mga kalokohan sa  DENR at kung sino-sino ang kanilang mga kakutsaba para naman po makarating ito kay Pangulong Noy.

Kasi batid kong matuwid na daan ang kaniyang gusto at tiyak ko na si DENR Secretary Paje ay may kinalaman sa sistemang umiiral kasi nagbubulag-bulagan siya. Higit sa lahat, kapwa niya forester ang mga iniupo niyang RD sa bawat Region.

Gumagalang
Mr.  Surveyor.

Paging, Pangulong Benigno   Aquino III, Sir. Pakiimbestigahan naman po ang mga itinalaga mong   RD ng DENR at mga tauhan  nito. Kasi garapalan na po ang kanilang sistemang umiiral pagdating sa   pagpapa-bid ng Cadastral Survey na inyong pinondohan. Katunayan po, marami nang reklamo sa Misyon Aksyon ang dumarating  kagaya po ng Region 1 na mismong kamag-anak pa umano ni COA  Commissioner Heidi  Mendoza ang siyang middleman para sa 5 percent na SOP.

Aba? Paki-aksyunan  naman ito.

Maging  si DENR  Sec.  Paje  po ay bulag  sa ganitong  kalakalan kasi kapwa  niya  umano forester ang   lahat  ng  Regional Director  na  itinalaga… o baka naman po may parating siyang  tinatangap kaya hinahayaan na nila ang  tiwaling sistema at kalakalan .  katulad  ng isang sumbong  sa  inyong lingkod na iyong  natapos  na  kontrata   ay  sinalaula  ng kontraktor kasi  halos  sa mga  kawani  ng  DENR   napunta ang budget…   kaya  abono  umano  iyong kontratista  sa laki ng  nakurakot  ng mga  taga  DENR  sa  Cadastral Servey.

Kaya  umaasa  po  sa inyong agarang  aksyon . at kay  Sec  Ramon  Paje  Sir  Toto  po ba ang sumbong na ito? O baka naman   bulag kayo kasi may  basbas  kayo sa mga  katarantaduhan ng mga bata  mo.?

Ibubulgar  na po natin ang mga  opisyal  na  sangkot  sa  mga katiwalian   pagdating  sa bidding  awards ng  Cadastral  Survey.

Kaya  bukas  po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA. Cellphone Numbers: GLOBE-09165982736 SMART-09193628223 EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, www.tiradabalita.com,arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.comathttp://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahilan para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply