5 arestado sa buy-bust operation ng PDEA

LIMA katao kabilang ang dalawang babae ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa magkahiwalay na drug bust operation sa Subic, Zambales.

Batay sa isinumiteng ulat kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., nagsagawa ng pagsalakay ang mga tauhan ni PDEA RO3 Director Roybel Sanchez sa tulong ng local police sa Bracero Street, Purok 6, Barangay Calapacuan sa Subic at nang mag-aabutan na ng shabu at pera ay inaresto sina Sharon Tolentino, 36-anyos at kasama nitong si Helmer Cac, 35-anyos, kapwa residente ng nasabing barangay.

Makalipas ang dalawang oras nagsagawa rin ng entrapment operation ang nasabing grupo sa Purok 3, Barangay Matain sa Subic din kung saan nadakip ang isa pang babaing tulak na si Michelle Salinas, alias Tisay, 30-anyos at dalawa nitong kasama na sina Dennis Daos, 42 at Mark Quinday, 30-anyos matapos silang makuhanan ng may limang sachet ng shabu.

Kinasuhan ng paglabag sa Sections 11 (Possession), 5 (Sale) at 26 (Conspiracy) in relation to Section 5 ng Republic Act 9165 ang limang nadakip.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply