5 drug pusher arestado sa Parañaque

ARESTADO sa buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Station Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group (SAID-SOTG) at Special Reaction Unit ng Parañaque police ang limang drug pushers kanina.

Kinilala ni Parañaque police chief Sr. Supt. Billy Beltran ang mga nadakip na sina Johnny Soriano, 54, kilalang drug pusher na may-ari ng sinalakay na bahay sa Purok Katwell, Barangay Merville, Rhodora Vergara, 34 at nakababatang kapatid na si Rodolfo, 29,  Rommel Dela Peña, 30 at Jackson Carbonnel, 32.

Nakuha sa mga suspek ang walong sachet ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 0.15 gramo, shabu paraphernalias, isang sumpak at dalawang granada.

Sa imbestigasyon ng pulisya,  nakatanggap ang SAID-SOTG ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa illegal na operasyon ng shabu sa bahay ni Soriano kaya kaagad nagsagawa ng pagmamanman ang pulisya.

Nagawa namang makipag-transaksiyon ng pulis na nagpanggap na buyer sa bahay ni Soriano hanggang sa madakip ang mga suspect.

Iniutos ni Beltran ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa lima kaugnay sa umiiral na batas laban sa mga drug pushers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply