5 lugar sa Mindanao apektado pa rin ng red tide – BFAR

MAHIGPIT pa ring ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghango, pagbenta at pagkain ng mga lamang dagat mula sa limang lugar sa Mindanao dahil sa red tide.

Batay sa inilabas na bagong Shellfish bulletin No. 17 ng BFAR, positibo pa rin sa Paralytic shellfish poison o Red Tide toxins ang mga karagatan sakop ng Dumanquillas bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental at baybaying karagatan ng Milagros sa Masbate at Balite bay sa Mati Davao Oriental.

Kabilang sa ipinagbabawal munang kainin at ibenta sa mga pamilihan ang mga lamang dagat na gaya ng tahong at talaba na makukuha sa mga nasabing lugar.

Maliban sa mga pusit, alimango at isda ay maaari namang kainin basta alisan lamang ng hasang at bituka at linising mabuti bago lutuin at kainin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply