5 NPA arestado sa bakbakan sa S. Cotabato

ARESTADO ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army ang may limang miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang magkasagupa ang dalawang paksyon sa Brgy. Colonggulo, Surallah, South Cotabato.

Sinampahan na ng kasong treason, double frustrated murder at illegal possession of explosives dahil sa pagdadala ng landmine si Jonisel Paladisa, habang arestado rin sng asawa nitong si Jenievive Sundo na limang buwang buntis; at kasamahang sina Ereneo Amajado alyas Julius; Aldrin Kundiman, residente ng Malalag, Davao del Sur at Isabel Muay na taga-Colonggulo, Surallah.

Isa ring NPA ang naiulat na nasawi habang mahigit 160 pamilya o 600 katao na ang bilang ng mga nagsilikas at pansamantalang nanunuluyan ngayon sa  Colonggulo National High School dahil sa takot na maipit sa engkwentro.

Ayon kay Colonggulo Barangay Chairman Jeryl Talaman, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga evacuee mula sa limang sitio ng kanilang barangay sakaling magpapatuloy ang bakbakan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply