5 pasahero nilimas ng armadong grupo

LIMANG pasahero na sakay ng puting Nissan Urban vehicle na may plakang UVV 926 na bumibiyahe ng Pasig, Antipolo ang sapilitang ibinaba sa may Heritage Park area C5 Road, Barangay Western Bicutan, Taguig City pagkaraang limasin ng ‘di nakilalang armadong grupo ang kanilang mga salapi at mamahaling kagamitan sa Julio Vargas Avenue, Pasig City.

Sa isinagawang pagsisiyasat ni PCP1 PO3 Virgilio Del Rosario, nakilala ang mga biktima na sina HarlyLeen M. Delumas, 31, kawani, nakatira sa 217-C Sumulong St., Angono Rizal, Candida Anna D. Reyes, 29 call center Supervisor, nakatira sa 214 Milky Way St., Constellation Homes, Angono Rizal, Nelson O. Sanita, 44, messenger, nakatira sa 218-7 West Bank Road, Maybunga, Pasig City, Zyrine H. Adacul at Joric L. Paampag,  kapwa guro at nakatira sa San Roque St., San Francisco Floodway, Cainta Rizal.

Sa salaysay ng mga biktima, habang naglalakbay ang kanilang sinasakyang behikulo dakong 12:30 ng gabi patungong Pasig, dalawa sa limang mga holduppers na nagpanggap na pasahero ang nagdeklara ng hold-up matapos na bumunot ang mga ito at tutukan sila ng cal. 45 at cal. 357 baril.

Bunsod ng pagkabigla at takot sa mga mandarambong, sinabi ng mga biktima na wala silang nagawa ng isa-isang kunin ng dalawang babaing kasabwat ang kanilang pera at mga mamamahaling kagamitan.

Bago tumakas ang mga salarin, ipinagtulakan umano ng mga ito ang mga biktima na bumaba ng sasakyan kung saan ay namataan silang naglalakad ng mga nagpapatrolyang pulis sa madilim na bahagi ng C5 Road ‘di kalayuan sa Heritage Park ng Taguig City.

Dinala sa himpilan ng pulis ang mga biktima upang kunan ng pahayag sa nangyaring krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply