5 patay sa sunog sa GenSan

ISANG mag-anak ang namatay kabilang ang kanilang kasambahay nang masunog ang kanilang bahay sa Gensanville Subdivision, Barangay Bula sa General Santos City kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Leonora Barasi, Aldrin Barasi, July Barasi at Andrew Barasi, walong-taong gulang habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kanilang kasambahay.

Batay sa ulat sa radyo, nagsimula ang apoy sa kusina ng bahay.

Sa nasabing report din, sinabi na bagong dating lang mag-anak mula sa Doha, Qatar.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply