50 katao nalason sa hotel

LEGAZPI CITY – Umabot sa mahigit 50 katao ang nabiktima ng food poisoning matapos na kumain ng handa sa isang binyag sa isang kilalang hotel sa lungsod ng Legazpi kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Nathaniel Rempillo ng Albay Provincial Health Office.

Napag-alaman na Hulyo 21 pa nang mangyari ang handaan sa La Piazza Hotel and Convention at Hulyo 22 ng madaling araw nang makaramdam ang mga biktima ng pananakit ng tiyan, pagdumi at pagsusuka.

Kanina naipa-blotter ang pangyayari ng ama ng bininyagan na si Jay Arnold Panganiban, 31, ng First Park Subdivision, Daraga, Albay kaya naman labis ang panghihinayang ngayon ng PHO.

Agad namang nadala sa iba’t ibang ospital ang mga biktima at nabigyan ng gamot habang ginamot na lang ng iba ang kanilang mga sarili.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply