50 pamilya inilikas sa Sultan Kudarat dahil sa flashflood

INILIKAS ang 50 pamilya sa kanilang mga tahanan sa Sultan Kudarat dahil sa pagbaha na dulot ng malakas na pag-ulan, kagabi (Hulyo 18).

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga.

Ang mga lumikas ay mula sa Purok Riverside, Kalawag 3, bayan ng Isulan.

Ayon sa NDRRMC, dahil sa malakas na pag-ulan ay umapaw ang Allah River na nagresulta sa pagbaha at naapektuhan ang mga residente sa mga nasabing lugar.

Sa mga oras na ito, humupa na ang baha ngunit nananatili ang mga inilikas sa gym ng lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply