5,000 pulis ipakakalat sa SONA ni PNoy

IPAKAKALAT ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 5,000 tauhan para bantayan ang seguridad sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa Hulyo 23.

Nabatid na ang mga ipakakalat ay magmumula sa tropa sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at Police Regional Offices 1 hanggang 4A maging sa Cordillera.

Magtatalaga rin ang pulisya ng mga tauhan ng Police Security Protection Group at Special Action Force sa VIPs sa House of Representatives.

Naka-standy naman ang tropa ng Joint Task Force-NCR ng Armed Forces of the Philippines at reresponde lamang kung kailangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply