59 pasahero ng sumadsad na barko sa Looc Bay nasagip

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 59 pasaherong sakay ng barkong  sumadsad sa Looc Bay sa Romblon kagabi.

Ayon sa PCG-Dumaguit, galing ang Super Shuttle Ro-Ro 1 sa Dumaguit port at patungong Odiongan, Romblon nang sumadsad ito.

Lulan ng nasabing barko ang 59 pasahero at 16 na sasakyan na agad namang narespondehan ng Coast Guard Romblon upang mailipat sa ibang barko ang mga pasahero na dinala naman sa Looc, Romblon.

Nabatid na nagkaroon ng pinsala ang barko matapos hampasin ng malalaking alon at sumadsad sa mabatong bahagi ng karagatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply