6 CJ candidates haharap sa JBC interview mamaya

ANIM na kandidato ang nakatakdang humarap mamaya sa ikalawang araw ng public interview ng Judicial and Bar Council sa mga nominado sa pagka-punong mahistrado ng Korte Suprema.

Nakatakdang isalang mamaya ay sina Supreme Court (SC) Associate Justice Roberto Abad, Rafael Morales, dating University of the Philippines Law Dean Raul Pangalangan, SC Associate Justice Arturo Brion, Comelec Commissioner Rene Sarmiento at Manuel Siyangco.

Ayon kay JBC member Atty. Jose Mejia, maganda ang kalidad ng mga tugon ng mga aplikante para sa pagkapunong mahistrado.

Inamin din ni Mejia na malaki ang advantage ng mga nominado na dati nang nakapwesto sa gobyerno.

Kabilang sa mga unang isinalang sa public interview ng JBC sina Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Andres Bautista, Soledad De Castro, Justice Secretary Leila De Lima, dating De La Salle University (DLSU) Law Dean Jose Manuel Diokno, Francis Jardeleza at Atty. Katrina Legarda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply