6 na botika, sinalakay ng NBI sa Cebu

KINUMPISKA ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cebu ang mga pekeng branded na gamot sa anim na pharmaceutical outlets sa magkakasabay na pagsalakay.

Kabilang sa sinalakay ng NBI ang Rockwell Pharmaceuticals, na pag-aari ng isang Cathy Young na matatagpuan sa  M.C. Briones Higway, Mandaue City, Cebu;1 and A Pharmacy and General Merchandise, na pag-aari ng isang Lawrence A. Sabellano, sa   Cebu South Road, Tabunok, Talisay, Cebu; Bing Pharmacy, na pag-aari ng isang  Gabriela Lumapas, sa Consulacion Public Market, Consulacion, Cebu; Jacob Pharmacy, ng isang  Marilyn V. Indino, sa Rizal St., Poblacion, Danao City, Cebu; Best for Life Pharmacy and General Merchandise, ni  Thelma Y. Campomanes sa    Cebu South Road, Tabunok, Talisay City, Cebu; at Teekay Pharmacy and General Merchandise, ng isang   Edilbertha H. Cerdan, sa loob w Public Market, Poblacion, Campostela, Cebu.

Ayon sa NBI, isinagawa ang pagsalakay nito lamang nakalipas na linggo nang makatanggap ng liham mula sa Armadillo Protective Security Agency,. Inc. Kinatawan ng  United Laboratories, Inc. (UNILAB)  na humihiling na imbestigahan ang gumagawa at nagpapakalat n pekeng UNILAB products.

Sa bisa ng anim na search warrants na inisyu ni Makati RTC Judge Joselito C. Villarosa ng Br. 66,  isinagawa ng NBI ang pagsalakay.

Nasamsam ang kahon-kahong assorted na pekeng Unilab products na kinabibilangan ng Biogesic, Bioflu, Medicol Advance, Alaxan FR, Neozep Forte, at iba pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply