6 patay, 22 sugatan sa ambush sa Basilan

ANIM katao ang inulat na namatay habang 22 pa ang sugatan sa pananambang ng mga armadong grupo na hinihinalang mga kasapi ng Abu Sayyaf Group sa Barangay Tumahubong Sumisip, Basilan sa ulat ng militar ngayon.

Ayon sa initial impormasyon na ibinahagi ni Army Captain Albert Caber, tagapagsalita ng 1st Infantry Division, bandang alas-6:00 ng umaga ay tinambangan ang humigit kumulang sa 30 rubber tappers ng Tumajubong Agrarian Reform Beneficiaries Dev’t Council (TARBIDC) na sakay ng kanilang company vehicle na nakabase sa Barangay Tumajubong, Sumisip, Basilan.

Sa ulat, binabagtas ng sasakyan ng mga biktima ang Basilan circumferential road at ng sumapit sila sa Brgy. Sapah Bulak ng nasabi ring munisipalidad ay pinaulanan ng tinatayang sampung miyembro ng Abu Sayyaf.

Nagawa namang makaganti ng putok ang ilang kasapi ng Special Civilian Armed Auxiliaries kayat napa-atras ang mga suspek.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dante Binondo;  Cafgu Mangaran Larry, Sr; Bonifacio Esteqiua; Albert Parang; at Loreto Jeneney, Jr., at isang hindi pa nakilala.

Nasugatan din ang dalawang SCAA member na sina Leo Pacure at Adjad Lidjaman. Sugatan naman ang 20 sibilyan na kinilalang sina Padlio Felessimo, Roseller Timtim, Armando Polonio, Puguy Juanito, Rey Sundung, Elmer Limbin, Rogelio Mata, Jr., Marlon Pungutan, Dante Jeminez, Allan Pascua, Junie Aligay, Jolly Lipapa, Renevier Rabacca, Robert Payusan, Juniver Motocan, Dagodog Bönifacio, Dennis Donaire at Roniel Limbim.

Pinaniniwalaan din na ang grupong pinaslang ng mga nanambang ay grupo rin ASG na pinamumunuan ng isang sub leader na si Radzmil Janatol na nakasagupa rin ng SCAA sa Tarbidc sa bisinidad ng Sitio Campo Dos, Tumahubong, Sumisip nitong Hulyo 10.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply