6 sasakyan nagkarambola: Buntis isinugod sa ospital

ISANG buntis ang isinugod sa ospital makaraang magkarambola ang anim na sasakyan sa Magallanes Interchange, Makati City.

Sa inisyal na ulat, nawalan ng preno ang isang bus kaya nabangga nito ang isa pang sasakyan na nabangga naman ang iba pang sasakyan.

Ayon pa sa ulat, matapos ang insidente ay sumakit ang tiyan ng buntis na hindi pa nakuha ang pangalan.

Sinusuri na ngayon sa St. Lukes Medical Center sa Taguig ang buntis.

Nagdulot din nang matinding trapik ang pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply