6 sasakyan ng NHA wasak sa granada

NIYANIG ng malakas na pagsabog ang compound ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City kaninang umaga.

Sa ulat ng Quezon City Police District Bomb squad,   alas-5:30 ng umaga nang maganap ang pagsabog sa parking area ng ahensiya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng bomb squad, galing sa  isang granada ang nakuha nilang pin na inihagis ng hindi pa nakikilalang suspek  sa bubungan ng parking lot.

Anim na sasakyan  ang napinsala sa pagsabog at walang iniulat na nasaktan dahil itinaon na walang tao nang oras na inihagis ang granada.

May hinala ang mga pulis na nananakot lamang ang may pakana ng pagpapasabog.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply