6 timbog sa buy-bust operation sa Maynila

HIMAS-REHAS ngayon ang anim katao kabilang ang isang tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos madakip ng mga tauhan ng Manila Police District Anti-Illegal Drugs sa ikinasang buy bust operation sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang mga nadakip na sina Eduardo Quines, MMDA aide; magka-live-in partner na sina Maria Luisa Cruz at Jonathan Vicente; Aldwin Dela Cruz, Bayani Opena at Ramil Opena.

Batay sa report nahuli sa aktong tumitira ng shabu ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu, pati na ang mga paraphernalia nito.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply