60 pawikan nakumpiska sa opisyal ng Palawan town

NAKUMPISKA ng awtoridad ang may 60 pawikan sa kustodiya ng isang lokal na opisyal sa Palawan.

Sa kasamaang palad, nakatakas ang suspect na isang nagngangalang Abu Ilig, Konsehal ng Sebaring village sa Balabac town sa Palawan. Ikinasa na ng PNP Maritime Group ang operasyon para sa lalong madaling panahon ay mahuli ito.

Sa ulat, nakatanggap ang pulisya ng tip mula sa mga concerned citizen na nasa kustodiya ni Ilig ang nasabing bilang ng mga pawikan na tumitimbang ng 50 hanggang 70 kilos.

Ayon pa sa sumbong, isinasalya ni Ilig ang mga nahuling pawikan at ilalako sa mga Chinese poachers habang lulan sa kanilang barko.

Hindi naman nabanggit ng awtoridad kung sa mismong bahay ni Ilig nabawi ang mga pawikan o habang naghihintay ito ng kliyenteng dayuhan sa tabing karagatan.

Ginagalugad na ng pulisya ang mga kalapit na isla kabilang ang Boayan Island sa Palawan na pinaniniwalaang pinagtataguan nito.

Ipinagkatiwala na ang mga nasagip na pawikan sa kaukulang awtoridad para pansamantalang alagaan doon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply