6,000 Muslim Filipinos lalahok sa Haj

TINATAYANG aabot sa humigit kumulang sa 6,000 na Muslim Filinos ang lalahok sa  “Haj” o pilgrimage na gaganapin sa Saudi Arabia.

Kaugnay nito, tumulak na sa Saudi Arabia National Commission on Muslim Filipinos (NCFM) si Secretary Mejol Sadain para paghandaan ang mga preparasyon para sa taunang “Haj” o pilgrimage ng mga Muslim Filipinospapuntang Meccah.

Nakipagpulong si Sadain sa Muslim-Filipino community sa Saudi pati na sa mga opisyal ng Philippine Consulate sa Jeddah at Saudi Ministry of Haj upang mailagay sa kaayusan ang lugar na pagdarausan ng banal na okasyon.

Tiniyak naman ni Consul General Norman Garibay kay Sadain ang kaligtasan at seguridad gayundin ang maayos na tutuluyan ng nasa 6,000 Muslim Filipinos na lalahok sa Haj.

Batay sa ulat, si Sadain ang tatayong pinuno ng Filipino Haj mission na gagawin sa katapusan ng Oktubre.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply