61 todas sa ‘mystery disease’ sa Cambodia

UMAKYAT na sa 61 katao ang naitatalang namamatay sa hindi pa malaman na sakit na dumapo sa mga kabataan sa Cambodia simula noong Abril, ayon sa World Health Organization.

Patuloy namang inaalam ng health workers kung anong sakit ang dumapo sa mga biktima.

Lumalabas na karaniwang tinamaan ng sakit ay mga batang may edad 10 pataas na nakaranas muna ng lagnat at pag-uubo.

Kaugnay nito, inalerto na ng Cambodia ang mga karatig bansa  sa nasabing sakit.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply