661 manholes ang nawawala – MMDA

DISMAYADO ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pagkawala ng may 661 manhole sa iba’t ibang lansangan.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino, posible umanong ang pagkawala ng mga manhole ay bunga ng ilang road repair at construction ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na naiiwang nakatiwangwang sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila.

Batay sa flood control monitoring teams natabunan ng asphalt overlay ang mga manhole pero iginiit ni Tolentino na mananagot dito ang private contractors.

Bukod dito, mahihirapan ang MMDA na alisin ang bara tuwing tag-baha dahil tinapalan lang pansamantala ng aspalto ang mga nawawalang manhole.

Samantala, sinabi ni Tolentino na may 182 truck ng basura ang nakolekta ng MMDA matapos ang kasagsagan ng ulan kamakailan.

Kaugnay nito pinag-aaralan na ng MMDA kung may kinalaman ang pagba-ban ng mga plastic sa hindi pagtaas ng baha sa isang lugar.

Inihalimbawa ni Tolentino ang lungsod ng Muntinlupa at Pasig na nagpatupad ng plastic ban at naiulat namang walang pagbaha kahapon.

Malaki ang posibilidad umano na may direct relation ang plastic ban dahil kahit itapon ang papel hindi umano ito bumabara sa drainage.

Naniniwala si Tolentino na kung mapatunayan ang plastik ang dahilan ng pagbabara maiiwasan na ang matinding pagbaha sa Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply