7 illegal aliens nasakote ng BI

PITONG illegal aliens ang naaaresto ng Bureau of Immigration sa Clark Field, Angeles City nang ilunsad ng ahensya ang unang census kaugnay sa mga dayuhang naninirahan sa bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Ricardo David Jr. na ang pagkakaaresto sa mga dayuhan ay bunsod na rin ng mga ulat na maraming dayuhang turista ang overstaying na sa Pilipinas at mayroon pang trabaho dito sa bansa.

Hindi naman binanggit ang pangalan ng mga nahuling dayuhan.

Ayon pa kay David, ang pitong nasakote ay kabilang sa 92 katao na karamihan ay Indian at Koreano na inimbitahan upang matukoy ang immigration status.

Sa pito, lima dito ang undocumented, ang isa ay nagtataglay ng kahina-hinalang immigration document habang ang isa ay pugante.

“The undocumented aliens included three Koreans and two Indians while the fugitive is a Marshall Island national and the holder of spurious document is a Korean,” sabi pa ng opisyal.

Samantala, 65 sa 92 pinatawag ng BI ay pinauwi na rin matapos na mapatunayang ligal ang kanilang mga papeles.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply